Reaksiyon sa Eksilo at Panlipunang Pagbabago
Bawat tao ay may kanya-kanyang haka-haka, kuro-kuro, o opinyon sa isang ideya o paksain. May karapatan din tayong sabihin o ilabas ito para mabatid o malaman ng ibang tao. Para makakuha ng pagsang-ayon ng iba, pwedeng gumamit ng mga “facts” at “events” na nangyari bilang suporta sa kanilang ideya o opinyon.
Sa ideyang pagkukumpara sa grupo ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal sa grupo ni Jose Maria Sison sa kanilang pagiging eksilo, ang nauna sa panahon ng Espanyol at ang huli ay sa panahon ni Marcos hanggang sa kasalukuyan, ang grupong gumawa nito ay gumamit ng mga events na nangyari patungkol sa dalawa.
Hinimay ng grupo ang mga dahilan kung bakit humantong sa pagiging eksilo ang buhay ng mga nasabing personalidad, kagaya ng klimang politikal; praylokrasya kay Rizal at ang sinasabing mapansikil o mapang-abusong estado sa panahon ni Sison. Ikinumpara nila ang pagtitiis ni Rizal ng siya’y nasa Madrid at ang pagkalayo at pagiging eksilo ni Sison sa Utretch dahil sa pag-iwas sa nagbabantang panganib sa kanyang buhay at pamilya.
Si Rizal, isa sa mga importanteng tao sa grupong Propagandista na sumulong sa asimilasyon, sekularisasyon, pagtatanggal sa mga prayle, etc. ay may personal na mga problema tulad ng pangungulila sa pamilya at kay Leonor Rivera at ang pagtitiis sa gutomdahil sa kawalan ng perang pambili. Lumayo siya sa kanyang bayan upang magkaroon ng kaalaman na makukuha lamang sa ibang bansa dahil may konserbatibong mga prayle sa Pilipinas na hinahadlangan ang kaalamang alam nila na magpatanggal sa kanila. Naging modelo si Rizal sa mga estudyanteng Pilipino sa Madrid at nagging lider sa pagsulong ng mga reporma para sa Pilipinas. Ginamit niya ang pagsulat bilang sandata at paraan upang malaman ng Espanya ang tunay na kalagayan ng kolonyang Pilipinas. Sa kabila ng pagtitis at mapanganib na adhikain, hindi pinaghinaan ng loob si Rizal para sumuko. Isa siyang eksilo hindi lamang sa pisikal na aspeto ngunit sa panloob na paghihiwalay ng kamalakayan na rin.
Si Jose Maria Sison, dating propesor sa UP, ay nasa ibang bansa ngayon dahil sa political na dahilan. Sa panahon ng diktatoryang Marcos, itinatag nya ang CPP (M-L), NPA at NDF upang ilunsad ang rebolusyong kailangan ng bansa. Napagbintangang utak ng Plaza Miranda Bombing, siya ay nakulong, ngunit sa karamihan ay isa siyang political prisoner. Nang mapatalsik si Marcos sa pwesto, lumaya si Sison at bumalik sa UP bilang associate professor sa political science. Tulad ng mga Propagandista, sumulat din si Sison bilang pagkilala sa lakas ng pagsulat. Sinulat nya ang Philippine Society and Revolution. Nang buksan muli ang kaso sa Plaza Miranda Bombing, nadawit muli si Sison sa kaso. Buhay pa noon ang CPP, NPA at NDF sa panahong iyon kaya baka isa itong taktika ng Estado upang ikulong an glider ng mga nasabing grupo. May patong ang ulo ni Sison at ang asawa niya kaya umalis sila sa bansa at humingi ng political asylum sa Netherlands dahil na rin sa banta sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya. Hanggang sa ngayon, nasa Netherlands pa rin si Sison habang patuloy pa rin ang laban ng CPP, NPA at NDF sa kanilang layuning baguhin ang sistema ng estado tungo sa pantay pantay at maayos na gobyerno.
Sa aking sariling opinyon, may punto ang grupo sa paghahambing nila kay Rizal kay Sison. Pareho silang nagtiis at nagpursige sa layunin nilang sa tingin nila na makakabuti sa kanilang bayan. Ngunit, para na rin sa kin, hanggat di pa nalilinaw ang kaso ni Sison tungkol sa Plaza Miranda Bombing, hindi pa rin siya buong buo na maihahambing kay Rizal. Si Rizal ang pinakadakilang Pilipino sa kasaysayan at si Sison ay isa sa mga na-inspire kay Rizal para maging isang patriotiko at makabayan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home